Matagumpay na naisagawa ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang limang (5) araw na Water Search and Rescue (WASAR) training sa isla ng Calayan.

Ayon sa PDRRMO, labing siyam (19) na indibidwal mula sa Municipal DRRMC ng naturang isla ang lumahok at napagtagumpayan ang naturang pagsasanay na sinimulan noong Lunes, Hulyo-10 at natapos kahapon Hulyo-14.

Sinanay ang mga kalahok sa ropemanship o rope Rescue, rappelling, life saving Techniques, boat handling and operation, boat maneuvering, at Survival Swim.

Layunin ng naturang aktibidad na madagdagan pa ang kaalaman ng mga rescuer sa pagresponde sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Kaugnay rito, pinasalamatan ni Calayan Mayor Jong Llopis si Governor Manuel Mamba at PDRRMO sa pagtugon sa kahilingan ng Bayan ng Calayan para sa naturang pagsasanay.