Makulay at makabuluhang disenyo ang ipinamalas ng Saint Joseph College of Baggao Inc. na siyang tinanghal bilang kampeon sa 440th Aggao Nac Cagayan Mural Art Painting Competition sa Cagayan Sports Complex, ngayong Biyernes Hunyo-09.

Inspirasyon ng grupo nina Dennis Sambrano, Warren Ragual, Richmone Macapulay at Coach na si Aysa Centeno ang “CAGANDA 2025” at mga ipinagmamalaking pook pasyalan ng bayan ng Baggao

Hindi rin lubos akalain ng tatlo na ang kanilang ideya sa pagpinta na hango sa “CAGANDA 2025” ang siyang tatanghaling kampeon dahil anila, pawang kakaiba at napakahusay ang mga likha ng mga katunggali.

“Sinunod po namin yung criteria at naisip namin yung CAGANDA 2025 which is the future and ininclude po namin sa left is yung mga ipinagmamalaki namin sa bayan ng Baggao,” sambit ng Baggao Trio.

Nagpasalamat rin sila sa oportunidad na mapabilang sa mga 23 na grupo ng mga amateur painters sa Cagayan at handa pa ring sasabak sa susunod na kompetisyon.

Naiuwi ng Baggao Trio ang P30,000 bilang 1st prize habang nasungkit naman ng Ballesteros National High School ang 2nd prize na P20,000 at 3rd prize na P15,000 naman para sa Solana Fresh Water Fishery School.

Nakatanggap rin ng tig-P5,000 consolation prize ang mga grupo na nagrepresanta ng kanilang mga munisipaliad at nakilahok sa kompetisyon kabilang ang mga sumusunod:

Allacapan Vocational School

Vicente D. Trinidad National High School

PeƱablanca National High School

Linao National High School

Annafunan Integrated School

Don Severino National High School

Annafunan Integrated School

Cattaggaman National High School

Cagayan National Junior at Senior High representing (Lasam, Sta. Praxedes, Lallo, Sta. ana, Abulug at Sta. Teresita, Camalanuigan at Gattaran)

Tuao Vocational and Technical School

Gonzaga National High School.

Ang mga naging hurado ay sina Architect Willogene Ruiz, Founder and CEO of Presstart Studio, President Lucio Taguiam ng Cagayan Artist Group Inc. at Professor Jane Quilang ng College of Industrial Technology Cagayan State University.

Labis namang ikinagalak ng Unang Ginang ng Lalawigan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba ang mga obra ng mga estudyante at nawili ito sa mga angking talento mayroon ang mga kabataang Cagayano. Aniya sa susunod na Aggao Nac Cagayan ay mas lalo pang palalawakin ang sakop ng likhang sining sa mga gusali ng Cagayan Sports Complex.

Nagpasalamat rin si Engr. Kingston James Dela Cruz, Provincial Engineer at ng kanyang team dahil sa matagumpay na aktibidad na kanilanang pinangasiwaan.

Bukas naman sa lahat ng mga Cagayano na bisitahin at kumuha ng mga instagrammable mural painting pictures sa inner walls ng Cagayan Sports Complex sa likod ng Sports Coliseum.