ampok ngayon ang mga ipinagmamalaking tourist activities na maaring gawin ng mga turista na bibisita sa kauna-unahang DOT- Accredited LGU Owned and Operated Agri-Tourism site na Cagayan Provincial Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan.
Una rito ang mga instagrammable site katulad ng treehouse, heart-shape background at nest basket para sa mga magkasing-irog na bibisita. Bida rin ang bamboo shades at bougainvillea arch.
Ayon kay Provincial Agriculturist Pearl P. Mabasa, ang mga turista ay pwedeng mamasyal sa buong farm school ng maghapon at maaaring matuto rin ng libreng training sa makabagong teknolohiya ng pagtatanim tulad ng hydroponics at aquaponics.
Kabilang rin dito ang paggawa ng mushroom fruiting bag at spawn inoculation, at ang paggawa rin ng fermented na pananim at fruit juice maging ang sowing o paggawa ng punla ng iba’t ibang klase ng gulay.
Handog rin ng agri-tourism site ang pick and pay ng mga prutas tulad ng manga, papaya at pakwan; at mga gulay na “pinakbet type”; at ang catch-and-pay ng tilapia sa farm school.
“Welcome to 8.4 hectares of farm school. Nagpapasalamat ako sa lahat lalo na kay Gov. Mamba, sa ating mga farmers na nagsasanay at nagtapos na ng kanilang training at sa ating ka-partner, ang Technical Education and Skills Development Authority para sa short and long courses ng ating mga farmers,” ani Mabasa.