Kabilang sa mga ito ang mga bayan na naapektuhan ng nagdaang bagyong Egay sa unang distrito ng lalawigan na kinabibilangan ng mga bayan ng Sta. ana, Gonzaga, Buguey, Sta. Teresita, Aparri East, at Aparri West. Hinatiran din ng grupo ng kaparehong programa ang mga bayan ng Camalaniugan at Lal-lo.
Tumanggap ng tig-P2,000 ang bawat tanod mula sa mga nabanggit na bayan sa probinsya. Ang Oplan Tulong sa Barangay ay mula sa taunang programa ng kapitolyo na No Barangay Left Behind Program (NBLB).
Katuwang sa paghahatid ng nasabing programa ang mga opisina ng Provincial Treasury at Provincial Office for People Empowerment (POPE).