OPISYALES NG LEAGUE OF SANITATION INSPECTORS SA CAGAYAN, NANUMPA SA GOBERNADOR

Binigyang pagkilala ang siyam (9) na empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na tinaguriang “Blood Heroes” ngayong Lunes sa ginanap na regular flag-raising ceremony sa Capitol grounds.

Kinilala ang siyam na sina Marlo Allam ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO); Magneto Corpuz at Romeo Rumbaoa ng Provincial Engineers Office (PEO); Rema Cristina Guzman ng Provincial Administrators Office; Vita Vergara ng Provincial Treasurer’s Office; Johanne DeLos Trinos, Maryrose Macarubbo, Miriam Darauay at Ma. Lourdes L. Bangan ng Provincial Health Office (PHO).

Sila ay binigyan ng certificate of recognition at special token at gift pack bilang pagkilala sa kabayanihang ipinakita ng mga ito sa pamamagitan ng regular na pagbibigay ng dugo bawat tatlong buwan sa buong taon.

Pinasalamatan ni Eva Accad, Blood Services Coordinator ng PHO ang mga empleyadong walang maliw na nagbibigay ng dugo para magkaroon ng malusog at dekalidad na buhay ang bawat Cagayano.

Samantala, nanumpa ang mga bagong talagang opisyales ng League of Sanitation Inspectors ng Cagayan kay Gobernador Manuel Mamba kaninang umaga.

Ang naitalang Presidente ay si Edgar Aguila, Municipal Health Office (MHO) ng Tuao East at West; Vice-President si Dexter Singson ng Tuguegarao City; Secretary si Gerlen Siriban Banastas ng Aparri East; Treasurer-Liza Antonio ng Sta.Ana; Auditors sina Kristina Monzon ng Gonzaga, Christian Decena ng Enrile at Pedro Canapi ng Piat; P.R.O si Krischel Dancel ng Camalanuigan; B.O.D sina Jay- Ar Apao ng Amulung; Sheryl Castueras ng Lal-lo; Haze Pedronan ng Pamplona; Earl Tulauan ng Tuguegarao City; at Ramjay Dalere ng Baggao.

Ayon kay Engr. Felizardo Taguiam, ang mga Sanitation Inspectors ay may mahalagang tungkulin sa pagiging frontliners sa pagpigil at pag-iwas sa mga health-related environmental disease.

Dinaluhan nina BM Rodrigo De Asis, mga opisyales ng mga National Government Agency (NGA), Consultants, Department/Division Heads, empleyado ng Kapitolyo ang naturang flag-raising ceremony.