“Sa tingin ko hulog ng langit ito. In the midst of hopeless test, in the needs of desperation, here comes the opportunity, so pakiusap ko lahat sa atin let us do our share. We are not only building future for Cagayanos or rebuilding Cagayan but even building a nation.”
Ito ang mensahe ni Governor Manuel Mamba sa pagtatapos ng three-day activity sa Recalibration and Alignment of “Strategic Plans and PPAs with the Priority Programs and Projects of the Office of the Governor” na ginanap sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung mula Agosto 31 hanggang Setyembre 02. Ang aktibidad na ito ay nakatuon sa prioritization ng mga programa ng bawat department at opisina ng PGC para sa pagpapatuloy ng Cagayan Development Agenda o CAGANDA 2025.
Nagpasalamat si Governor Mamba sa mga pinumo ng mga opisina at departamento ng PGC sa pagseseryoso sa aktibidad. Hiningi rin niya ang buong suporta ng lahat dahil ito ay para sa mga Cagayano at sa susunod na henerasyon. Aniya, ang lahat ay nagsisimula sa pangarap, sa pagpaplano at mangyayari lamang ito kapag gagawin at naniniwala na matutupad ito.
“Do your share, kaunting sakripisyo lamang po ito, kapag umusad ito nobody can stop it, of course there are roadblocks along the way. Anim na taon nakita na hirap hirap tayo, six years ino-obstruct tayo in every way and yet we survived. We’ve been together. So see you again, i-fine tune natin, i-incapsulate, or summarize and make it to action by our propose budget,”ani Gob. Mamba.
Sa aktibidad isa-isang iprinisinta ng bawat opisina katulad ng Social Services cluster, Economic, Infrastructure, Peace and Order at Disasater Risk Reduction Management cluster ang kanilang plano na kailangan ay nakaangkla sa mga prayoridad na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan na “International Gateway Project.”
Halimbawa na rito ang Provincial Natural Environment and Natural Resources o PNREO na nagprisinta sa isyu ng waste at sanitary landfills. Sa ipapatayong international sea at airport, at maraming industrial parks, inaasahan rin ang maraming waste o basura. Ngunit hindi ito magiging problema kung gagawin itong kapaki-pakinabang, mula sa basura patungo sa energy source.
Mayroong apat na foreign direct investment projects sa probinsiya ng Cagayan kung saan ito ang International Airport, International Sea Port, Smart City and Agro-Industrial Park at Railway system na nagkakahalaga ng $7 billion US dollars.
Pinangunahan naman ni Dr. Archimedes Articulo ang paggabay tungo sa mas komprehensibong pagpaplano. Si Dr. Articulo ay isang Strategic Planner at Project Developer at Government Consultant. Siya din ang nasa likod ng pagsasakatuparan ng Tri-Regional Hub Framework o ang Ilocandia, the Cordillera at Cagayan Valley na unang ipinakilala ng Gobernador noong 2015.