Muling isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ngayong Miyerkules , Hunyo-14 ang River Clean-Up at Tree Growing activity bilang bahagi ng selebrasyon ng 440th Aggao Nac Cagayan.

Ang aktibidad na ito ay may hangaring mapangalagaan ang kalikasan at maprotektahan ang mga tributaryo ng Ilog Cagayan na nakapaloob sa “I Love Cagayan River” Movement na isinusulong ni Gov. Manuel N. Mamba at ng buong Kapitolyo ng Cagayan.

Isinagawa ito sa Capanikian, Claveria at Libertad, Abulug sa pangunguna nina Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) – Quarry Division Chief Edwin Jesus O. Buendia Jr. at Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) head Mario Hipolito. Katuwang nila ang mga Bantay Quarry, Cagayan Anti-Illegal Logging Task Force-Pamplona at mga tauhan ng mga CSAG Permit Holders.

Ang kaparehong aktibidad ay isasagawa tuwing Miyerkules sa buong buwan ng Hunyo sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya.