Nagsasagawa na ngayon ng monitoring ang pamunuan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) sa mga bayan na lubos na naapektuhan ng bagyong Florita.
Ayon kay Helen Donato, PSWD Officer, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga LSWDO sa iba’t ibang bayan para sa kanilang monitoring sa naging epekto ng bagyong Florita.
Sa ngayon, buong pwersa naman ang tanggapan ng PSWDO sa repacking ng mga goods. Saad din ni Donato na wala pa naman umanong request ng augmentation mula sa LSWDO pero patuloy ang kanilang paghahanda upang sa oras na kailanganin ang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ay nakahanda ang kanilang mga ipapamahagi.
Sa kasalukuyan ay nadagdagan na ang stockpile ng PSWDO sa food and non-food items dahil patuloy ang isinasagawang repacking ng kanilang mga tauhan at patuloy pa rin itong madaragdagan dahil may mga organisasyon o institusyon na rin ang nagpapaabot ng kanilang tulong sa mga nasalanta.
Inaasahan na darating ngayong araw, Augusto 24, 2022 and PAGCOR upang ipagkaloob ang 500 food packs at 500 non-food items bilang donasyon para sa mga nasalanta ng nasabing bagyo