Pinangunahan ni Governor Manuel Mamba, Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang Unang Ginang ng lalawigan; at Nino Kevin Baclig, Museum Curator ang presentasyon sa pag-aaral nina Professor Fernando Zialcita ng Ateneo de Manila University; Trinity Naile, isang American researcher mula sa Texas, USA; at Timothee Lescroart, isa namang French researcher sa lokal na yamang kultural ng lalawigan ng Cagayan.
Ang nasabing report sa Cagayan Cultural Heritage Studies Field School ay pinamagatang “Fish in the Everyday World of Cagayanos” kung saan ipinakita ng mga mananaliksik ang kanilang mga nakalap na impormasyon at pag-aaral sa isang video presentation.
Ang aktibidad na naganap kanina, Hulyo 7, 2023 ay dinaluhan din ng mga indibidwal mula sa academe, Cagayan Heritage Conservation Society, media; maging ng iba pang mga bisita.