Binanggit ni Cagayan Governor Manuel N. Mamba na ang buwan ng Oktubre ay simula ng “disaster months” kaya’t mahalaga aniya ang seryosong paghahanda at pananalig sa Diyos para sa ikakabuti ng lahat.
Giit ng Gobernador na ang mga hindi inaasahang bagyo, landslide, pagbabaha at anumang sakuna ay dapat na laging pinaghahandaan. Pangunahin umano dito na naghahanda ay mga pinuno ng bawat Local Government Unit (LGU) ng lalawigan.
“We should always prepare for the worst and pray for the best dahil sa disaster months na this last quarter. Mahirap na binabalewala natin ito at sa ibang bagay tayo excited,” giit niya.
Muling nagpaalala si Gov. Mamba na ang buwan ng Oktubre hanggang sa mga susunod na buwan ay hindi dapat nagpapakampante ang bawat Cagayano, kundi ay tinitingnan na kung ano ang mga kailangang gawin tuwing may bagyo lalo na ang mga lugar na laging nababaha.
Higit na umano dito na naghahanda ang mga kinauukulan tulad Provincial Disaster and Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Municipal Disaster Risk Reduction Offices (MDRRMOs) sa buong Cagayan, ibang department ng Provincial Government of Cagayan (PGC), purok organization o ang Agkaykaysa Organization, mga kabataan, mga purok patroller, at ang local media sa probinsya.
Dagdag pa ng ama ng Cagayan na ang patuloy na paghahanda sa mga kalamidad ay sa layuning maabot lagi ang “zero casualty.”
Una na rin sinabi ni Gov. Mamba sa mga lider ng mga bayan at lungsod sa Cagayan na kung maaari ay huwag muna sila mag-travel o aalis ng kanilang mga area of responsibilities kapag disaster months upang mapaghandaan at harapin ang kanilang tungkulin sa panahon ng kalamidad.