Nabigyan ng pitong (7) parangal at cash prize na P240,000 ang Provincial Health Office (PHO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan mula sa Department of Health Region 02.
Ang parangal ay base sa patuloy na pagpapatupad at implementasyon nito ng serbisyo sa Universal Health Care (UHC) sa lalawigan.
Pormal na iginawad ang mga parangal sa katatapos na flag-raising ceremony ngayong araw ng Lunes, Enero-09 at mismong si Dr. Carlos Cortina III, Provincial Health Officer ang tumanggap ng mga ito.
Noong December 15, 2022 ay isinagawa naman ng Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD-DOH02) ang “Araw ng Parangal” sa naturang pagkilala.
Ito ay matapos ang milestone na selebrasyon sa implementasyon ng Universal Care Integration Sites Gallery Walk sa Region 02.
Narito ang mga sumusunod na parangal na natamo ng probinsiya:
1. Local Health System Maturity Level -Bronze award (Champion)
2. Plaque of Recognition (100% preparatory level)
3. Primers of Essential Services (Unified governance in local health system)
4. Plaque of Recognition (Cagayan UHC integration site)
5. Viewer’s Choice Award (highest audience vote in Gallery Walk)
6. Healthy Cagayan Valley Awards – Cagayan Outstanding Health Promotion
7. Health Promotion Champion-Municipal Level Lal-lo, Cagayan