Namahagi ng nasa 820 non-food items ang Office of Civil Defense (OCD) Region 02 partikular sa mga bayan sa Northern Cagayan matapos ang pananalasa ng super typhoon “Egay” sa lalawigan.

Ang mga non-food item ay 180 units ng portable stove with butane canisters, 120 family packs, 220 sets ng hygiene kits, 120 modular tents, at 180 sets ng shelter repair kits.

Ang mga nabigyan na munispalidad ay kinabibilangan ng islang bayan ng Calayan, Ballesteros, Pamplona, Sanchez Mira, Claveria, at Sta. Praxedes.

Samantala, isang unit naman ng portable generator ang dinala ng tanggapan sa Camiguin Island upang magkaroon ng suplay ng kuryente para sa vaccine storage ng local health unit.