Ngayong Biyernes, Hunyo 16, 2023, inikot ng grupo ang ipinasang entry ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Buguey , Sta Teresita, Gonzaga at Lal-lo na pasok sa finalist na una nang ipinakita sa pamamagitan ng Audio-visual presentation noong elimination round.

Kasama sa mga tinignan ng grupo ang finalist entry ng MDRRMO-Buguey na Seawall na may isang kilometro ang haba; Plant Plant Plant Program at Rambo Cares (Community Assistance Thru Reinforcement and establishiment of shelter) ng Sta Teresita, Typhoon/Storm Surge mainstreaming Innovation for Sustainable Preparedness ng Gonzaga at ang “We Care Lal-lo” ng Lal-lo.

Ang pag-iikot ng team na pinangunahan ng limang evaluators na sina Jed Amante Apada ng DILG Cagayan, Engr. Romeo Ganal ng PAGASA, Orlando Posadas Jr. ng OCD R02, Shally Marck Daguiao ng PHIVOLCS at Ferdinand Michael Magusib ng DOST ay upang makita ng personal ang mga inilagay ng mga MDRRMOs sa kanilang mga entry sa avp.

Layunin ng aktibidad na ito na makita kung gaano kahanda ang mga MDRRMO sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Samantala, muling iikot ang grupo sa bayan ng Sanchez Mira bukas, Hunyo-17 para sa patuloy na ginagawang validation at nakatakdang ianunsyo ang mananalo sa Hunyo-26.