Bumida ang mga naglalakihang upo (tabungaw sa ilokano) na pananim ng mga magsasakang Cagayano sa ginanap na Agri-Skills Competition na bahagi ng selebrasyon ng 440th Aggao Nac Cagayan sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung ngayong Martes, Hunyo-13.
Ang ‘Pinakamahabang Tabungaw’ competition ay isa sa mga pinaghandaan ng mahigit tatlong daang (300) magsasaka na kalahok sa Agri-Skills Competition.
Bitbit ng mga magsasaka ng Sta. Ana ang itinanghal na kampeon sa may pinakamahabang upo na may sukat na 120 centimeters at naiuwi nila ang premyong P5,000.
Ayon sa mga Sta. Ana farmer, isang hybrid na upo umano ang kanilang naging pampabato na kanilang inalagaan para sa kompetisyon.
Nasungkit naman ng mga magsasaka sa Aparri, Cagayan ang pangalawang pwesto na may haba na 114 cm na upo at tumanggap ng P3,000; 3rd. place ang mga magsasaka sa Iguig, Cagayan na may sukat na 107.2 cm na upo at nakatanggap ng P2,000 na premyo.
Samantala, narito pa ang ilang kompetisyon na sinalihan ng mga rice at corn farmer, Rural Improvement Club (RIC), at 4-H Club ng lalawigan sa Agri-Skills Competition.
Paramihan ng nagadgad na niyog o “innigadan”:
1st place (1.30 kg) – Aparri
2nd place (950 grams) – Abulug
3rd place (870 grams) – Iguig
Manual Corn Shelling o “pagpusi ” ng mais:
1st – (3 kgs & 30 grams) – Sta. Teresita
2nd – (2.98 kg) – Gattaran
3rd – (2.23 kg) – Sto. Nino
Watermelon Eating Contest:
1st – (820 grams) – Allacapan
2nd- (780 grams) – LGU Baggao
3rd- (700 grams) – LGU Ballesteros
Palay in Sack Relay:
1st – (19.56 sec.) – Aparri
2nd – (21.59 sec) – Camalaniugan
3rd- (21.76 sec) – Peñablanca
Hito Relay:
1st – Ballesteros
2nd- Tuao
3rd – Gonzaga
Ang mga nagwagi ay nabigyan ng kaakibat na papremyo at lahat ng kalahok ay tumanggap ng token, at certificate of participation.
Kaugnay rito, sinabi ni Provincial Agriculturist Pearlita P. Mabasa na ang aktibidad ay paraan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang mabigayn ng oras ang mga magsasakang Cagayano na magsaya sa pamamagitan ng mga nasabing kompetisyon.