Hinirang na Mutya Ti Cagayan 2023 ang pambato ng bayan ng Sta. Ana na si Kiray-Jezaryl Carisma Baclig sa katatapos na 2023 “Pabbarayle” Festival Dance Competition ngayong mismong araw ng pagdiriwang ng ika-440 Aggao Nac Cagayan sa Oval Track ng Cagayan Sports Complex, Tuguegarao City.
Walang pagsidlan ng tuwa si Kiray kasama ang kanyang grupo matapos siyang ianunsyo bilang panibagong Mutya Ti Cagayan 2023. Siya ang napili ng mga hurado matapos niyang ipamalas ang kanyang galing sa pagsayaw at pag-indak suot ang makulay na kasuotan na sumisimbolo sa masagana at makulay kultura ng bayan ng Sta. Ana, Cagayan.
Tinanggap ni Kiray ang premyong sampung libo (P10, 000) at palque, liban pa rito ang pagiging panibagong abassadress ng Cagayan Tourism Office (CTO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Pinatunayan ng mga kabataang Cagayano na kalahok sa 2023 “Pabbarayle” Festival Dance Competition na tunay ngang “Endless ang Fun sa Cagayan”.