Muling nagtungo ang Mobile Kitchen ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa bayan ng Abulug ngayong Biyernes, ika-28 ng Hulyo upang hatiran ng mainit at masusustansyang pagkain ang mga residenteng hinagupit ng bagyong Egay sa mga barangay ng Sta Rosa at San Agustin sa bayan ng Abulug.

Umabot sa kabuuang 639 na mga indibidwal na kinabibilangan ng 287 na katao ang pinakain sa Brgy. Sta.Rosa at 352 sa Brgy. San Agustin sa nasabing bayan.

Ang nasabing pamimigay ng pagkain sa mga apektado sa nagdaang bagyo ay patuloy na ginagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Cagayan Tourism Office (PTO), at Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) upang kahit papaano ay maibsan ang gutom ng mga naapektuhan ng kalmidad.