Binigyang diin ni Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina III ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na kailangan pa ring sundin ng bawat Cagayano ang Minimum Public Health Standards (MPHS) upang maiwasan ang COVID-19 virus.
Ito ay matapos ideklara kamakailan ng World Health Organization (WHO) na tapos na ang COVID-19 pandemic sa buong mundo ngunit posible pa rin umano itong maging banta sa kalusugan ng tao.
Paliwanag ni Dr. Cortina, pinakamabisang paraan pa rin ang pagsunod sa MPHS at pagpapabakuna upang makaiwas sa virus at sa iba pang nakahahawang sakit.
“We still need to do minimum public health standards. Dapat ang mga senior citizen at mga may comorbidity ay kailangang gumagamit pa rin ng facemask, sumunod sa social distancing at maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol para hindi sila mahawa sa virus at ibang sakit,” saad ni Dr. Cortina.