Pinangunahan ng Unang Ginang ng Cagayan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, bilang kinatawan ni Governor Manuel Mamba, ang distribusyon ng tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda sa tatlong (3) bayan sa lalawigan kahapon, Enero-25.
Ang mga benepisyaryo na nakatanggap ng tig-P1000 ay mula sa bayan ng Camalaniugan na nasa 480, sa Buguey ay 730, at sa Lal-lo ay 750 na mga magsasaka at mangingisda.
Ang pagbibigay ng tulong ay inisyatiba ni Gov. Mamba para sa mga naapektuhan ng bagyo at baha sa probinsya.
Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist na pinamumunuan ni Dr. Pearlita P. Mabasa.
Sa datos na ibinahagi ni Mabasa, umaabot na sa 13,845 na benepisyaryo mula sa 20 bayan ng lalawigan ang nakatanggap na ng tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Matatandaan na kaparehong aktibidad ang isinagawa nitong araw ng Martes, Enero-24 sa bayan naman ng Sta Ana, Gonzaga at Sta. Teresita.