Bilang bahagi ng Swine Sentinelling and Repopulation Program ng Department of Agriculture Region 02, nabigyan ng sentinel piglets ang mga hog raiser ng pitong (7) bayan sa Cagayan kahapon, November-29.
Naging katuwang ng technical operation team ng DA ang mga empleyado ng Provincial Veterinary Office (PVET) sa pamamahagi ng mga biik na isinagawa sa gymnasium ng Amulung.
Ayon kay Dr. Myka Ponce, Veterinarian II ng PVET, ang 79 na mga recipient ng sentinel piglets ay mula sa bayan ng Amulung, Buguey, Lal-lo, Pamplona, Solana at Sto. NiƱo.
Umaabot aniya sa 158 na mga biik ang naibigay sa mga apektadong hog raiser dahil sa sakit na African Swine Fever o ASF.
Kasabay rin nito ang naibigay na 316 sako ng feeds para sa tatlong (3) buwan na pagkain ng mga baboy. Ang mga magsasaka ay nakatanggap ng tig-dalawang (2) biik at tig-dalawang sako ng feeds sa bawat isang (1) biik.
Bago naman naibigay ang mga biik sa mga hog raiser ay tinurukan muna ng PVET ng vitamins and mga ito. Sa loob ng 40 na araw ay oobserbahan ito ng PVET sa pamamagitan ng blood collection para masuri kung sila ay ligtas sa ASF. Ito ay sa kabila na ang mga nasabing bayan na may distribusyon ng biik ay walang kaso ng ASF sa loob ng 180 days.
Matatandaan na unang nabigyan na ng tig-isang biik ang mga magsasaka ng nasabi ring mga bayan.
Layon pa rin ng pamamahagi ng sentinel piglets na magkaroon ng rehabilitasyon sa mga hog raiser dulot ng ASF at upang mabuhay ang industriya ng baboy sa Rehiyon Dos.