Pinasinayaan at binasabasan ang bagong gusali ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) at mga bagong repair at na-rehabilitate na mga gusali sa Northern District Hospital sa bayan ng Sanchez Mira at Sub-motorpool sa bayan naman ng Pamplona, ngayong araw Nobyembre-24.
Pinangunahan ni Governor Manuel Mamba at Fr. Saturnino Agustines ang pagpapasinaya at blessing sa mga gusali kasama na ang mga empleyado ng ospital at mga rescuer ng TFLC, maging ang mga department head ng Kapitolyo.
Ang TFLC building sa Sanchez Mira ay magsisilbing station ng mga rescuer ng probinsiya 24/7 na magsisilbi sa mga bayan katulad ng Abulug, Pamplona, Claveria, at Sta. Praxedes. Ang gusali ay pinonodohan sa halagang P4,326,750.60.
Bukod pa rito ay nagpapatuloy rin ang ang pagsasaayos sa mga ospital sa probinsiya sa kautusan ni Gov. Mamba upang lalo pang mapaganda ang mga pasilidad.
Nagkaroon ng repair at rehabilitation sa Northern Cagayan District Hospital kung saan ang mga inayos ay ang water system, collection tank, material recovery facility, construction of ambulance bay at septic tank para sa laboratory waste, expansion ng laboratory room, at konstruksyon ng mga private room ng ospital.
Ang mga proyekto ay pinondohan sa ilalim ng AIP 2021 at DRRAP 2021 sa halagang P6,447,618.19 at P4,199, 878.75.
Kasama rin sa tinungo ng ama ng lalawigan ang Motorpool sa bayan ng Pamplona at pinasinayaan ang warehouse building, storage facility and equipment na nagkakahalaga naman ng P7,979,427.80.