Posted on January 19, 2023 Mahigit 300 magsasaka at mangingisda sa bayan ng Piat at Rizal ang nahatiran ng tulong pinansyal kahapon, Enero-18 mula sa inisyatibo ni Governor Manuel Mamba.Dumalo bilang kinatawan ng Gobernador ang Unang Ginang ng lalawigan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba upang personal na ihatid sa mga mangingisda at magsasakang direktang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad ang tulong mula sa Provincial Government of Cagayan (PGC).May 268 na benepisyaryo ang nahatiran sa bayan ng Piat, habang 48 kaparehong benepisyaryo din ang nakatanggap sa bayan ng Rizal.Kasabay nito ay nahatiran din ang 110 PWDs mula sa dalawang nabanggit na bayan ng tig-P1,000 tulong pinansyal mula naman sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).Ang programang ito ay bahagi ng No Barangay Left Behind (NBLB) Program ng PGC na may layuning makatulong sa lahat ng Cagayano sa pamamagitan ng paghahatid ng iba’t ibang programa at tulong pinansyal noon pang taong 2016.Aasahan na magpapatuloy ang NBLB distribution sa lahat ng munisipalidad, kabilang ang siyudad ng lalawigan.