Ang dalawang documentary films na pinamagatang “On the Day I was Born” at “Mari na Mepangat Kanya Ima, Mepakattu kan Abaha” ay mga pelikulang nakatuon sa ilang kultura at tradisyon ng Cagayan at sa buhay mismo ng film maker na si Ashworth.

Naging malugod naman ang pagbati ni NiƱo Kevin Baclig, ang kura ng Cagayan Museum kay Ashworth at sa lahat ng naging bahagi ng pelikula mula sa mga mananaliksik, eksperto, at ilang mga tao na nasa likod ng camera.

Dumalo naman sa palabas ang komunidad mula sa Amulung na kasama sa work-in-progress na pelikula, mga kasapi ng Cagayan Heritage Conservation Society, at ilang mga bisita.