Patuloy pa ring nag-iikot ang Mobile Kitchen ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga bayang nasalanta ng Bagyong Egay upang mamahagi ng mainit na pagkain sa mga residenteng apektado.
Kaninang hapon ay nagtungo sa bayan ng Abulug ang PGC ‘Hot Meals on Wheels’ kasama ang mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC), at Cagayan Tourism Office (PTO) upang magbigay ng pagkain sa mga nasa evacuation center sa Brgy. Guiddam sa nasabing bayan.
Nagpakain ang grupo ng mainit na sopas sa 325 na indibidwal kasama ang mga bata at matatanda. Binahagian din ang mga lumikas na pansamantalang naninirahan sa mga tent sa gilid ng mga daan makaraang inabot ng tubig baha ang kanilang mga tahanan.#EgayPh