Nagtungo kahapon, araw ng Miyerkules, Marso-8 ang mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na bumubuo sa Oplan Tulong sa Barangay sa bayan ng Piat upang ihatid ang Agkaykaysa Scholarship Assistance sa pitong (7) bayan sa Cagayan.
Kabilang sa mga ito ang bayan ng Piat, Sto. NiƱo, Rizal, Tuao, Amulung West, Alcala West, at Solana.
Pinangunahan ni Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang Unang Ginang ng Cagayan, ang nasabing distribusyon bilang kinatawan ni Gov. Manuel Mamba kasama sina Provincial Treasurer, Mila Mallongga; Provincial Agriculturist, Pearlita Mabasa; Provical Office for People Empowerment Head, Vince Lucas; Provincial Consultant, Vicente Binasoy,; mga kinatawan mula sa CSU Piat, at lokal na pamahalaan ng LGU Piat.
Tumanggap ang humigit kumulang 1,000 estudyante mula sa pitong nabanggit na bayan ng tig-P3,000 scholarship assistance para sa ikalawalang semestre ng S.Y. 2022-2023.
Karamihan sa mga tumanggap ay mag-aaral ng CSU Piat, habang ang ilan naman ay nanggaling pa sa kani-kanilang mga bayan para tanggapin ang tulong pinansyal.
Aasahan namang ihahatid ng grupo ang kaparehong programa sa nalalabing bayan sa lalawigan.