Pagpapasalamat sa Poong Maykapal ang unang ginawa ni Gerwin Alariao, isang grade 12 student mula sa mula sa Maura, Aparri Cagayan matapos humakot ng pitong (7) gintong medalya sa nagpapatuloy na Private Schools Athletic Association National Games 2023 sa Zamboanga.
Kabilang si Alariao sa mga delegado ng Rehiyos dos na sumasabak ngayon sa nasabing palaro kung saan nakakuha ito ng pitong gold medals sa larong track and field.
Nagpapasalamat din ang atleta sa mga kaibigan, magulang, at kamag-anak na nagsilbing inspirasyon nito para mapatatag ang loob sa kanyang paglaban sa national games maging ang mga tumulong para maibigay ang mga kagamitang kakailanganin nito sa training.
“[I want to thank] my family, friends, relatives because without their support I would not be able to participate in this game, and those who sponsored my equipment,” pagpapasalamat ni Alariao.
Plano ngayon ni Alariao na paghusayin pa ang kanyang talento at ipagpatuloy ang nasimulang tagumpay sa kanyang naumpisahang karera sa larong track and field.