Hinikayat ni Governor Manuel Mamba ang lahat ng magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak laban sa Vaccine Preventable Diseases katulad ng tigdas at polio upang mapanatili na zero case ang Cagayan.
Pahayag ito ng ama ng lalawigan kasabay ng naganap na flag-raising ceremony ngayong araw, Abril-24 sa Kapitolyo.
Kamakailan ay inilunsad ng Department of Health-Cagayan Valley Center for Health Development (DOH-CVCHD) katuwang ang Provincial Health Office (PHO) at Tuguegarao City Health Office (CHO) ang “Cagayanwide Measles-Rubella Oral Polio Vaccine (MROPV) Suplemental Immunization Activity”.
Sinabi rin ni Governor Mamba na dapat umanong gawin ang responsibilidad ng bawat isa katulad ng pagpapabakuna at healthy lifestyle. Halimbawa na rito ang pagehersisyo, at maging sa tamang pagpili pagkain lalo na sa mga bata.
“Vaccination is very, very important especially for the young kids because sabi nga nila, prevention is the key sa lahat ng mga hinaing natin sa ating katawan,” saad ng ama ng lalawigan.
Samantala, pinaalalahanan din ng ama ng lalawigan ang lahat kaugnay sa pagsunod sa traffic rules at responsableng paggamit ng motorsiklo na madalas nasasangkot sa aksidente.
“This is now part of the lives of Cagayanos and the Filipinos, so we must manage it well by informing our people. Everyday may nadidisgrasya and this is happenning everywhere. That is why all of these should be taken into consideration,” ani Gob. Mamba.
Bukod sa mga paalala ng Gobernador kanya ring pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong talagang empleyado ng Provincial Engineering’s Office. Hinikayat din din niya ang lahat ng empleyado na isapuso ang kanilang sinumpaang tungkulin upang maging mabuting ehemplo sila sa mga mas nakababatang empleyado.
“Let us all be part of the reforms. I am asking that we do away with the wrong status quo that has always radiated and nortured by bad leaders and bad employees of our government. Wala ng ibang makapagbibigay ng inspirasyon sa mga tao kundi ang Provincial Government. We should always inspire those above and below us.’Pag walang mang-iinspire, at walang nakikita ang mga tao na pwede nilang tularan, walang mangyayari,” dagdag pa ng ama ng lalawigan.
Ang flag-raising ceremony ay pinangunahan ng Provincial Budget Office at dinaluhan nina BM Rodrigo de Asis, Provincial Administrator, Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, mga department head, consultants, media entities at empleyado ng Kapitolyo.