Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. ang 4th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na ginanap sa Royce Hotel, Clark, Pampanga ngayong Biyernes, May-19, 2023.
Ilan sa mga dumalo ay ang iba’t-ibang Gobernador mula sa Northern Luzon kasama na ang ama ng lalawigan ng Cagayan na si Governor Manuel Mamba, Apayao Governor Elias Bulut Jr, Batanes Governor Marilou Cayco at iba pa.
Napag-usapan sa pagpupulong ang update at proposal sa Local Poverty Action Plan at Management of Public Lands ng mga Local Government Units (LGUs), Policies and Guidelines ng PhilHealth, National Housing Program, Philippine Book Festival, Best practices ng probinisya ng Tarlac at ang Executive Order No. 138 o ang Full Devolution to LGUs. Kasabay ring inaprubahan ang ilang resolution ng LPP.
Ang LPP ay itinatag noong 1988 na binubuo ng mga Gobernador mula sa 82 na probinisya sa Pilipinas. Layon ng pagbuo nito na magsilbing bulwagan para sa kooperasyon at koordinasyon ng mga Provincial Governments at maging ang pagpalawig para sa interes ng bawat Probinsiya. Ganoon na rin ang pagpapalakas ng kapabilidad ng mga probinsiya lalo na sa pagbibigay ng social service at pagtiyak sa pantay-pantay na distribusyon ng national resources at opportunidad.