Nagpadala na ng family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 02 sa probinsya ng Batanes bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong “EGAY”.
Ayon sa Kagawaran, may kabuuang 300 food packs ang kanilang naipadala noong Hulyo 22, 2023 sa naturang probinsya.
Katuwang ng nasabing ahensya sa paghahatid ng nasabing tulong ang Philippine Air Force (PAF) C295. Kaagapay rin ng ahensya ng Philippine National Police (PNP) at Marines sa paghahanda sa posibleng epekto ng bagyo.###