ISANG BANGKAY NATAGPUAN, UMANO SA AOR NG CALAYAN -EX BM LLOPIS
Nagsagawa ng aerial survey ang Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) sa mga isla ng Calayan, Dalupuri, at Fuga matapos ang pananalasa ng super typhoon Egay.
Pinangunahan ni Office of Civil Defense, Regional Director Leon DG. Rafael kasama ang mga representante mula sa iba’t ibang ahensiya katulad ng Cagayan Provincial DRRMO, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Philippine Information Agency (PIA), sa tulong na rin ng Philippine Air Force (PAF).
Matapos ang aerial survey, nakipagpulong rin ang mga opisyal kay dating Sangguniang Panlalawigan member Alfonso Llopis kung saan kanyang nabanggit na problema ngayon ng bayan ang power at mobile connection.
Isa rin umanong bangkay ang natagpuan sa Area of Responsibility (AOR) ng bayan kung saan inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Kaugnay rito, namahagi naman ang DSWD ng mga relief pack sa mga nabanggit na isla sa tulong na rin ng PAF-Tactical Operations Group – Region 2.