Posted on July 19, 2022 Umaabot na ngayon sa 18.51% ang COVID-19 1st booster shot rollout sa Cagayan ayon kay Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina III ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.Sinabi niya na mas mataas ang porsyento ng 1st booster rollout sa Cagayan kumpara sa nasyonal na nasa 15% lamang.Sa Cagayan ay lagpas na aniya sa 15% ang lungsod ng Tuguegarao, Sta. Praxedes, Claveria, Calayan, Sanchez Mira, Piat, Iguig, Camalaniugan, Rizal, Aparri, Gonzaga, Enrile, Gattaran at Tuao.Habang ang 2nd booster shot roll out ay kasalukuyan rin sa lahat ng health centers ngunit limitado lamang ito sa mga frontliners, senior citizens, adults with comorbidity at mga nasa edad 12 hanggang 17.Nagpahayag pa ng paalala si Dr. Cortina na gawin sa lahat ng oras ang “3Ws” na wear your facemask, watch your distance, at wash your hands upang maiwasan na magkaroon ng impeksyon dulot ng Covid-19.Mahalaga pa umano ang pagpapataas ng immune system ng bawat isa o ang tinatawag na healthy lifestyle tulad ng tamang oras ng tulog, masustansyang pagkain at ehersisyo.Matatandaan na ang 1st dose ng vaccination roll out sa lalawigan ay 93% habang ang 2nd dose ay 85% kung saan ay patuloy itong isinasagawa pa rin sa mga health centers sa probinsya.