#CagayanoPrideALDRIN ULEPWORLD SKILLS COMPETITION FINALIST

Si Aldrin Ulep, mula sa bayan ng Baggao ay naging finalist sa Automotive Servicing sa prestihiyosong World Skills Competition na naganap sa bansang Germany kamakailan. Si Ulep ay dating TESDA Scholar sa Automotive Servicing na nag-uwi na ng maraming parangal sa lalawigan kabilang na ang Gold Medal na kanyang pinanalunan sa 2021 National Skills Competition, continue reading : #CagayanoPrideALDRIN ULEPWORLD SKILLS COMPETITION FINALIST

PGC, TULOY-TULOY ANG REPACKING ACTIVITY PARA SA MGA IBABAHAGING RELIEF GOODS SA MGA NASALANTA NG BAGYONG PAENG

Tuloy-tuloy ang repacking ng bigas na isinasagawa ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente ng iba’t ibang bayan sa lalawigan na lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng. Ayon kay Bonifacio Cuarteros, Social Welfare Officer IV ng PSWDO, continue reading : PGC, TULOY-TULOY ANG REPACKING ACTIVITY PARA SA MGA IBABAHAGING RELIEF GOODS SA MGA NASALANTA NG BAGYONG PAENG

GOB. MAMBA, TINIYAK NA MAPAPATAYUAN NG GYMNASIUM ANG LAHAT NG PUBLIC HIGH SCHOOL SA CAGAYAN BAGO MATAPOS ANG KANYANG TERMINO

Patuloy na ginagampan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang pagpapatayo ng Senior High School Gymnasium sa lahat ng 104 public high school sa buong lalawigan bago matapos ang termino ni Gob. Manuel N. Mamba. Ang pagpapatayo ng Senior High School Gymnasium ay isa sa mga programang naging prayoridad ni Gob. Mamba para sa sector ng continue reading : GOB. MAMBA, TINIYAK NA MAPAPATAYUAN NG GYMNASIUM ANG LAHAT NG PUBLIC HIGH SCHOOL SA CAGAYAN BAGO MATAPOS ANG KANYANG TERMINO

GOB. MAMBA, HINIMOK ANG MGA GURO AT MAG-AARAL NG BAYAN NG ENRILE NA MAGING BUKAS PARA SA MAS MAGANDANG KINABUKASAN

Muling hinimok ni Governor Manuel Mamba ang mga guro, mag-aaral, at mga residente ng bayan ng Enrile na maging bukas ang pananaw sa mas magandang kinabukasan, kasabay ng pagpapasinaya sa bagong Senior High School gym ng Magalalag National High, ngayong araw, Oktubre-18. Aniya, kailangan nang lumabas sa “comfort zone” o nakagawian maging sa status quo continue reading : GOB. MAMBA, HINIMOK ANG MGA GURO AT MAG-AARAL NG BAYAN NG ENRILE NA MAGING BUKAS PARA SA MAS MAGANDANG KINABUKASAN

GOB. MAMBA PINANGUNAHAN ANG PSB MEETING; P1M IDINAGDAG SA SPECIAL EDUCATION FUND NG LALAWIGAN

Pinangunahan ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang Provincial School Board (PSB) meeting kamakailan, kung saan pangunahing tinalakay ang pagdaragdad ng P1M sa pondong ilalaan sa Special Education Fund (SEF) na gagamitin para tugunan o suportahan ang mga pangangailangan sa sektor ng edukasyon. Ayon kay Clarita Lunas, Consultant to the Governor on Education, dinagdagan umano ng continue reading : GOB. MAMBA PINANGUNAHAN ANG PSB MEETING; P1M IDINAGDAG SA SPECIAL EDUCATION FUND NG LALAWIGAN

CAGAYAN THRIVES DIGITAL ART EXHIBIT AT PRODUCT HUB, BINUKSAN NGAYONG ARAW SA CAGAYAN MUSEUM

Binuksan ngayong araw, Oktubre-17 ang Cagayan THRIVES (Tourism and Hospitality for Resilience, Inclusivity, Vibrancy, Empowerment, and Sustainability) Digital Art Exhibit at Cagayan Product Hub sa Cagayan Museum and Historical Research Center, Tuguegarao City. Ito ay pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor at Jenifer Junio-Baquiran, Officer-in-charge ng Provincial Tourism Office. Ang Cagayan THRIVES ay continue reading : CAGAYAN THRIVES DIGITAL ART EXHIBIT AT PRODUCT HUB, BINUKSAN NGAYONG ARAW SA CAGAYAN MUSEUM

PINAKAHAHANGAD NA SCHOOL GYM NG AMULUNG NATIONAL HIGH BACULUD-ANNEX, PINASINAYAAN AT NATAPOS NA SA LOOB LAMANG NG 6 NA BUWAN

Hindi maipinta sa mga mukha ng mga guro, magulang at mga mag-aaral ang kagalakan sa bagong school gymnasium na ipinatayo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba sa Amulung National High School Baculud-Annex na pinasinayaan at itinurn-over ngayong araw, Oktubre-17. Inihayag ni Wilma Bumagat, Assistant Schools Division Superintendent ng Schools Division continue reading : PINAKAHAHANGAD NA SCHOOL GYM NG AMULUNG NATIONAL HIGH BACULUD-ANNEX, PINASINAYAAN AT NATAPOS NA SA LOOB LAMANG NG 6 NA BUWAN

GRAND HARVEST FIELD DAY NG OPA, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA ALLACAPAN SL

Matagumpay na isinagawa sa Allacapan, Cagayan ang Grand Harvest Field Day kahapon, ika-28 ng Setyembre. Ito ay sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan. Sinabi ni Provincial Agriculturist Pearlita P. Mabasa na nagkaroon ng pagpapakita at pag-aani ng iba’t ibang klase ng hybrid rice na produkto rin ng continue reading : GRAND HARVEST FIELD DAY NG OPA, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA ALLACAPAN SL

IN PHOTOS: Pinangunahan ni Cagayan Governor Manuel Mamba, kasama ang maybahay na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, Provincial Administrator Atty.Maria Rosario Mamba -Villaflor at Cagayan Provincial Information Office (CPIO) Head Rogelio Sending Jr., ang pagpapasinaya at pagbasbas sa bagong unit ng CPIO na News and Public Affairs at Unmanned Aerial Vehicle Unit, ngayong araw Oktubre-5.

Mismong sa selebrasyon ng ikalawang anibersaryo ng CPIO TeleRadyo ang pagbasbas ni Fr. Joshua Ballinan ng St. Jacinto Semenary sa mga bagong unit na matatagpuan HR building sa kapitolyo. Nakasama rin sa selebrasyon ang mga department head ng kapitolyo, mga director ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno at pulisya ng Cagayan.