Kasalukuyang isinasailalim sa limang araw na pagsasanay ang mga residente ng Isla ng Calayan sa paggawa ng handicrafts at mga souvenirs.
Ayon kay Jennifer Baquiran, Tourism Officer ng probinsya, nagsimula ang pagsasanay nitong ika-18 at magtatapos hanggang 22 ng Abril.
Aniya nasa 72 na mga residente ang aktibong nagsasanay kasama na ang mga kabataan.
Layon umano ng nasabing aktibidad na bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga mamamayan ng isla para magkaroon ng karagdagang pangkabuhayan lalo na ngayong panahon ng tag-init.
Aasahan na maraming turista ang magtutungo sa isla at ang mga nagawang mga produkto na handicrafts at souvenirs ay maaari nilang pagkakitaan.
Nabatid na katuwang ng Cagayan Tourism ang Department of Trade and Industry (DTI) Cagayan sa nasabing limang araw na pagsasanay.