Nakiisa ang Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa isinagawang 4th quarter nationwide simultaneous earthquake drill ng Office of Civil Defense (OCD) ngayong araw, Nobyembre-10.
Pagpatak ng 9:00 kaninang umaga nang isagawa ang “Ceremonial Pressing of the Button” ng OCD Central Office na hudyat din sa lahat ng kalahok kasama na ang mga kawani ng PDRRMO, MDRRMOs at mga uniformed personnel sa probinsya maging sa iba’t ibang panig ng bansa na makiisa sa “duck, cover and hold” exercise.
Ayon sa PDRRMO, regular na nakikibahagi ang kanilang tanggapan sa nasabing aktibidad upang mapanatili ang kahandaan at kaalaman ng bawat isa sa pagprotekta sa sarili at ng mamamayan sakaling magkaroon ng lindol.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng OCD kung saan isinasagawa ito ng apat na beses kada taon para umano sa promosyon ng kahandaan sa lindol at disaster resiliency.