Patuloy na humahakot ng medalya ang mga atleta ng Rehiyon Dos sa nagpapatuloy na 2023 Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Games sa Zamboanga City na nagsimula nitong Hulyo-13 at matatapos sa Hulyo 19, 2023.

Sa pinakahuling tala ngayong araw ng Linggo, Hulyo-16, ang Lambak Cagayan ay mayroon ng pitong (7) gold, tatlong (3) silver, at apat (4) na broze medal mula sa iba’t ibang larangan ng palakasan:

Gold – 7
-Throwing (University of Cagayan Valley)
-Athletics – 100m (University of Cagayan Valley)
-Taekwondo (University of Cagayan Valley)
-Light Weight Division (University of Cagayan Valley)
-Bantam Weight Division (Northeastern College)
-Chess (University of Cagayan Valley)
– Athletics -200m (University of Cagayan Valley)

Silver – 3
-Long Jump (University of Cagayan Valley)
-100 High Hurdle (University of Cagayan Valley
-Karatedo (University of Cagayan Valley)

Bronze – 4
-Taekwondo-poomse (University of La Salette Santiago)
– Athletics – 800m (University of Cagayan Valley)
– Fin Weight Division (University of La Salette Santiago)
-Light Weight Division (University of Cagayan Valley)

Ang 2023 Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Games ay may temang “Enhancing Sports Excellence Among Filipino Youth” na linahukan ng daang-daang mga kabataan mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Samantala, ito na ang ikalimang beses na ginanap ang PRISAA National Games sa Zamboanga City.

Aabot sa 22 sporting event ang paglalabanan ng mga atleta ngayong taon na isasagawa sa Zamboanga City Grandstand at sa mga tukoy na sports venue sa iba’t ibang paaralan at lugar sa lungsod.