Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) sa pagdiriwang ng ika-49th Nutrition Month ng bansa.

Sa temang, “Healthy Diet Gawing Affordable for All,” naghandog ng sayaw na may kaugnayan sa tamang nutrisyon ang mga kabataan mula sa Special Program for the Employment of Students (SPES) sa regular flag raising ceremony ng Kapitolyo ng Cagayan kaninang umaga, Hulyo-10.

Nagbigay rin ng mga nakaaaliw na nutrition quiz at trivia ang mga Nutritionist-Dietitians ng PHO na sina Johanne Delos Trinos at Corazon Baccay.

Hinikayat naman ni Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor ang lahat ng kawani ng Kapitolyo ng Cagayan na makibahagi sa selebrasyon ng nutrition month at huwag kalimutang bigyan din ng nutrisyon ang isipan sa pamamagitan ng pag-aaral, gayun din ang pagdarasal at pagpapatibay sa pananampalataya na aniya’y nutrisyon ng espiritwal na aspeto ng tao.