Itinampok ngayon ang ilang kultura at tradisyon ng mga Tsino sa ginanap na Chinese Day bilang bahagi ng selebrasyon ng 440th Aggao Nac Cagayan sa Provincial Museum and Historical Research Center, ngayong araw, ika-28 ng Hunyo 2023.

Nabatid kay Nino Kevin Baclig, Kura ng Panlalawigang Museo na ang aktibidad ay isinagawa upang kilalanin ang malaking naiambag ng mga Tsino sa kultura, kaugalian at tradisyon ng mga Cagayano. Ito rin aniya ay upang ipakita ang pagkakaisa ng Chinese-Filipino sa Cagayan.

Sa isang araw na aktibidad, ibinida dito ang ilan sa mga kultura at tradisyon na

hiniram mula sa mga Tsino katulad ng culinary arts o chinese cuisine kung saan itinampok ang iba’t ibang mga pagkain kagaya ng noodles na sila ang orihinal na pinagmulan nito. Isa pa rito ang paggawa ng ‘dumplings’ kung saan isa sa mga kakaibang kaugalian nila ang pagkain nito tuwing ‘Winter Solstice’ lamang. Maging ang pagpinta sa mga Chinese Mask na ginagamit sa mga opera; Paper Cutting; at Calligraphy na isang sining ng pagsusulat ng mga Chinese characters na tumutukoy sa tuntunin ng pagsusulat gamit ang isang brush.

Bukod dito, nagkaroon din ng hybrid lecture series(on-line at in-person) na ginanap naman sa Function Hall ng Dona Caridad Ventura Perez Bldg. University of Cagayan Valley(UCV) sa pamamagitan ni UCV President, Dr. Susan Perez- Mari.

Tinalakay ng ilang eksperto katulad ni Dr.Rommel C. Banlaoi ang Geopolitics at Status ng Philippine Infrastructure projects sa ilalim ng China’s Belt and Road Initiative; China’s Economic Miracle, opening and reforms: an inspiration for Gobal South ni Prof. Anna Malindog- Uy at Traditional Chinese Medicine to long Covid and post Covid conditions ni Dr.Zheng Qiming.

Sa naging mensahe ni Gobernador Manuel Mamba, kanyang binigyang importansiya na ang China ay bahagi na ng ating kultura, tradisyon, at ng mamamayan. At nakatuon ang kanyang vision sa pagtupad ng Cagayan Internationa Gateway Project( CIGP) sa Hilaga kung kayat pinangangalagaan nito ang magandang ugnayan ng lalawigan ng Cagayan at ng China na higit na makakatulong sa probinsiya.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Mr. Xiong Sheng, Chinese Embassy Education Counselor; Dr. Lourdes Tanhueco-Nepomuceno, Director ng Confucius Institue at University of the Philippines-Diliman(CIUP-D); Atty. Edgardo Carlo L. Vistan II, UP Diliman Chancellor; Florante King Valera,Pres.-Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc.(Tuguegarao City); Tuguegarao City Mayor Maila Rosario Ting- Que; Atty.Mabel Villarica- Mamba, Chair ng Steering Committee ng 2023 Aggao Nac Cagayan; Atty. Maria Rosario Mamba- Villaflor,Provincial Administrator at Chief of Staff; mga Department Head, Consultants, mga estudyante ng iba’ t ibang kolehiyo at unibersidad at empleyado ng Kapitolyo.

Ang nasabing aktibidad ay magkatuwang na isinakatuparan ng CPLRC at Provincial Museum sa pamamagitan nina Michael Pinto,Provincial Librarian at Nino Kevin Baclig,Kura ng Panlalawigang Museo.