Napabilib ang mga Cagayano sa 14 na unang batch ng Cagayan Singing Idol Season 3 ngayong Biyernes Sa SM Downtown.

Nahahati sa dalawang grupo ang mga kalahok kung saan bukas, Sabado, magpapasiklaban naman ang nalaabing 13 contenders sa Robinsons’ Place Tuguegarao.

Mula sa iba’t ibang awitin at genre, hindi nagpaawat sa galing bumirit ang mga Cagayan Singing Idol contenders.

Ang aktibidad ay bahagi pa rin ng selebrasyon ng lalawigan sa ika-440 nitong kasarinlan.

Ang aktibidad ay dinaluhan nina Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang head ng steering committee ng Aggao Nac Cagayan; Provincial Administrator, Atty Ma. Rosario Mamba-Villaflor, Co-chair, Arnold Alonzo, Helen Donato ng PSWDO bilang host office ng nasabing aktibidad, department heads at ilang kinatawan ng kapitolyo.

Samantala, gaganapin naman sa June-26 ang Final round ng nasabing singing competition sa Mamba Gym Sports Complex sa Tuguegarao City.