Muling binuksan ang Cagayan Museum and Historical Research Center ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa lungsod ng Tuguegarao ngayong Lunes, Hunyo 26, 2023 kasabay ng selebrasyon ng 440th Aggao Nac Cagayan.

Tampok sa muling pagbubukas ng panlalawigang museo ang mga bagong gallery na inayos at pinaganda. Bahagi rin ito ng paghahanda sa nalalapit na 50th anibersayo nito sa buwan ng Agosto ngayong taon.

Si Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang Unang Ginang, “Patron of the Arts” ng lalawigan at ang Chairperson ng Aggao Nac Cagayan 2023 Steering Committee at kinatawan ni Governor Manuel Mamba, ang nanguna sa ribbon-cutting ceremony at sa paghawi sa tabing ng commemorative plaque bilang paggunita sa makasaysayang kaganapan na ito.

Kasama ng Unang Ginang si Nino Kevin Baclig, ang kura ng Cagayan Museum; Gemma Estolas, President ng Northern Luzon Association of Museums, Inc. at ang Museum Director ng Baguio Museum; Jenifer Junio-Baquiran, OIC-Provincial Tourism Office; Arnold A. Alonzo, Co-Chairperson ng Aggao Nac Cagayan 2023 Steering Committee, Prof. Fernando Zialsita mula sa Ateneo de Manila University; Gina Adducul, Tourism Officer ng Tuguegarao City; Dr. Noli Buen, Provincial Veterinarian; at ang dating Regional Director ng Commission on Population R02 na si Mia Ventura sa nasabing seremonya.

Ang aktibidad ay dinaluhan din ni Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, ang Provincial Administrator, mga kinatawan ni Troy Alexander Miano, Regional Director ng Department of Tourism R02; Michael Tabao, President ng Cagayan Heritage Conservation Society; Florante Baylon, ang President ng Tuguegarao City Heritage Tours Association, mga department head at empleyado ng Kapitolyo, media partners, academe, at iba pang bisita.

Dumalo rin ang mga ilang miyembro ng Northern Luzon Association of Museums kabilang ang Arcas Yard Café Mini Museum and Library ng Baguio City, Museo San Nicoleno ng Ilocos Norte, Maryknoll Ecological Santuary Baguio City, Baguio Museum, Inc., Nueva Vizcaya People’s Museum and Library, Cagayan Ecclesiastical Museu, Museo Ilocos Norte, Buguey Folk Museum, Benguet Museum, at ng National Museum Cagayan Valley Field Research Office sa Penablanca, Cagayan.

Pinasalamatan ni Baclig ang lahat ng dumalo sa makasaysayang kaganapan sa Cagayan Museum ngayong araw.

Binigyang-diin ni Baclig na ang pangangalaga sa yamang kultura at pang-kasaysayan ay malaking bahagi sa sa pag-unlad ng isang lugar.

“Bahagi ng development agenda ni Governor Mamba ay nakatuon sa proteksiyon, pangangalaga, at pagmimintina, at pagdiriwang ng yamang kultural ng ating probinsiya. Naniniwala siyang isa ito sa pagpapalago ng lalawigan, pagbibigay-daan sa pag-unlad. At sa pamamagitan ng Cagayan Museum na nasa ilalim ng opisina ng Gobernador, ito ang aming mandato. Kaya naman patuloy ang aming pagpapatupad ng adhikain na ito para sa mga Cagayano,” diin niya.

Sa maraming taon aniya, lumago na nga ang panlalawigang museo at ngayon naging bahagi na ang lokal na komunidad sa mga programa nrto, naging kasama sila sa pangangalaga at pagbibigay serbisyo sa taumbayan.

Ayon naman kay Atty. Villarica-Mamba, isa ang Cagayan sa mga lugar sa Pilipinas na may mahabang kasaysayan.

“Marami tayong dapat ipagdiwang at ipagbunyi. Napakasarap maging Cagayano lalo na sa panahong ito,” bungad niyang pahayag.

Aniya, ang museo ay hindi lamang imbakan ng luma. “Ito ay tagapangalaga ng ating kultura, tagapangalaga ng ating kaluluwa at kung sino tayo bilang mga Cagayano.

Iyan ang nais ni Governor Mamba simula nang siya naupo noong 2016- ipakita kung ano ang kagalingan ng Cagayano, ipagyabang sa buong munod kung sino at ano tayo.

Nakita natin sa malinis at mabuting pamamahala kung sino tayo. Napakarami pala nating kayang gawin. Napakaramai nating mararating at napakaraming pangarap ang matutupad basta’t malinis at puro ang inyong intensiyon ang maglingkod,” diin niya.

Simula ngayong araw, bukas na muli sa publiko ang Cagayan Museum. Ang public viewing ay magsisimula sa ganap ng 2:00 ng hapon ngayong ika-26 ng Hunyo.

Bukas naman ang museo araw-araw (maliban sa weekends) mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Ang pagbisita sa Cagayan Museum ay libre para sa lahat.