Pormal nang binuksan ngayong Huwebesang InkCagayan Tattoo Expo 2023 sa pangunguna ni Atty. Mabel Villarica-Mamba bilang steering committee chairperson ng 440th Aggao Nac Cagayan kasama ang 50 Tattoo Artists sa lalawigan ng Cagayan.

Bitbit ng bawat ink master na lumalahok ang kani-kanilang mga modelo at sariling kagamitan.

Magtatagal ang Tattoo Expo hanggang 8:00 ng gabi sa Robinsons Place Tuguegarao ngayong araw ng Huwebes, Hunyo-15.

Ayon sa organizer ng InkCagayan, maaari pa ring tumanggap ang mga artists ng mga walk-in client na gusto ring magpatattoo.