Hango sa paboritong meryenda ng mga pinoy na sorbestes ang ibinida ng isang kalahok sa Dog Show competition ng Provincial Veterinary Office (PVET) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa nagpapatuloy na selebrasyon ng ika-440th Aggao Nac Cagayan ngayong araw ng Linggo, Hunyo-18 sa SM City Tuguegarao.
Si Meow-meow ay isang chihuahua breed dog na alaga ni Reden Delos Santos. Siya ay kabilang sa 30 kalahok ng nasabing patimpalak mula sa iba’t ibang bayan sa Cagayan.
Maliban sa small breed category, nagtagisan din ang mga Large breed-dog, Mixed breed-dog, at ang mga AsPin o tinawag ding “Asong Cagayano”.
Nagtagisan ang mga kalahok sa Fashion Show Competition, Talent competition, at Best in show.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang chairperson ng steering committee ng Aggao Nac Cagayan, na layunin ng selebrasyon na mabigyan ng pagkakataon lahat ng sektor na maipakita ang kanilang ang angking galing kabilang na rito ang sektor ng kahayupan.
Narito ang mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya ng 2023 Dog Show Competition:
Small Breed- Meow Meow (chihuahua), Tuguegarao City
Large Breed- Nathan (golden retriever), Amulung, Cagayan
Mixed Breed- Chuchay (shih tzu mixed lhasa apso), Tuguegarao City
Asong Cagayano- Luna (aspin), Tuguegarao City
Best in gown: Chuchay, Tuguegarao City
Pet look-alike: Reden Delos Santos, Meow-Meow, Tuguegarao City
Best in show: Nathan, Amulung Cagayan
Ang mga bawat nagwagi ay tumanggap ng cash prize, dog food, vitamins, at iba pa.