Tinalakay sa ginawang pagpupulong ng mga Municipal Agriculturist ng Cagayan sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Pearlita P. Mabasa ang posibleng epekto ng El Niño Phenomenon sa mga magsasaka sa probinsya.
Ginanap ang naturang pulong sa Municipal Gymnasium ng Claveria, Cagayan kahapon, May-17 kung saan tinukoy ang mga lugar sa lalawigan na lubhang maaapektuhan ng tagtuyot.
Pinag-usapan din ang mga alternatibong pananim sa panahon ng tag-init at hindi masyadong kailangan ng tubig.
Sinabi rin ng Provincial Agriculturist na tinukoy rin sa pulong ang mga binhi na matibay sa mga peste at sakit na umaatake tuwing tag-init.
“Importante ang alternative cropping sa pnahon ng El Niño. Ang mga corn farmers ang matinding maapektuhan dito. Magtulungan at makipagkooperasyon tayo para maresolba ang problema natin sa food production,” saad ni Mabasa.
May mga plano rin umano para sa alternatibong pagtatanim ng mga gulay na matibay sa tag-init. Sasailalim din ang mga magsasaka sa pagsasanay ng pest, disease and water management bilang tugon sa El Niño phenomenon.