Umabot sa 3,375 na mga kabataan mula sa bayan ng Aparri at Lal-lo ang naging benepisyaryo ng programang ‘MagSAKAbataan’ ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangangasiwa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).
Base sa datos ng OPA, 1,905 na mga kabataan mula sa Aparri at 1,905 na kabataan sa Lal-lo ang nabigyan ng iba’t ibang klase ng punlang gulay para itanim sa kanilang mga bakuran.
Ayon kay Provincial Agriculturist Pearlita P. Mabasa, ang dispersal ng mga punlang gulay ay bahagi pa rin ng 4th tranche ng ‘MagSAKAbataan’ program na inisyatiba ni Governor Manuel Mamba upang matulungan at maturuan ang mga kabataang Cagayano sa pagtatanim na makatutulong sakanila sa panahon ng krisis.
Ang ‘MagSAKAbataan’ program ay nasa ilalim ng “No Barangay Left Behind’ o NBLB program ng Provincial Government of Cagayan (PGC).