MAYOR FLORIDA, SUPORTADO SI GOB MAMBA SA PAGTUTOL SA EDCA SITES SA PROBINSIYA

Ipinasakamay ng Pamahalaang Panlalawigan Ng Cagayan sa pangunguna ni Governor Manuel Mamba ang dalawang (2) Multi-Purpose Gymnasium sa Cataratan Integrated School at Matucay National High School, sa bayan ng Allacapan, ngayong araw Abril-14.

Mismong mga pinuno ng Cataratan Integrated School na sina Joemar U. Respicio, John Jackie Simon, SPTA President at Matucay National High School Head Excelsis G. Pastor at

Lope R. Remigio, GPTA President, mga guro, magulang at mag-aaral ang tumanggap sa pasilidad.

Kaugnay nito hinimok naman ni Schools Division Superintendent Reynante Z. Caliguiran ang mga guro na ituro sa mga kabataan ang apat na core values ng mga Pilipino katulad ng “Makatao, Makadiyos, Makakalikasan at Makabansa” na aniya’y halimbawa ang mga ginagawa ni Governor Mamba.

Masisiglang kanta mula sa banda at sayaw naman ang ipinamalas at inialay ng mga mag-aaral at guro bilang pasasalamat kay Governor Mamba at sa PGC.

Samantala, inihayag naman ni Allacapan Mayor Harry Florida ang kanyang buong suporta sa ama ng lalawigan sa paninindigan nito sa pagtutol sa EDCA sites sa probinsiya.

Naniniwala ang alkalde na ang mga ginagawa ni Governor Mamba ay para lamang sa kapakanan ng mga Cagayano.

Ang pagpapatakbo ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Mamba ay siya rin aniyang salamin ng kanyang pamumuno kung kayat nararapat lamang na suportahan ang adhikain ng Gobernador.

Hinimok naman ni Governor Mamba ang mga AllacapeƱo na ihayag ang kanilang opinyon patungkol sa EDCA Sites sa Cagayan.

Aniya kung hindi umano siya pakikinggan ng pamahalaan ay umaasa siya na pakikinggan ang boses ng mga Cagayano na maapektuhan sa nasabing hakbang.

Naniniwala rin ang Punong Ehekutibo na maaaring ang mga adviser umano ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. ang may pakana sa paglalagay ng EDCA sites sa Cagayan.

“Nu haan da mangngeg ti boses ni Gob. Mamba baka ti boses yu mangngeg da tapnu makita ni Apo Presidente, ammuk nga kayat na ti ilokano,” saad ng Gobernador.

Samantala, nakasama sa aktibidad ang Bise Alkalde rin ng bayan na si Yvone Florida, Dr. Chelo C. Tangan, Assistant Schools Division Superintendent, mga department head at consultant ng kapitolyo, ilang mga local Sanggunian Bayan Members at Barangay Officials.