Kasalukuyang sumasailalim sa tatlong araw na Water Search and Rescue (WASAR) training ang 20 kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Lal-lo sa pangunguna ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDDRMO).
Ayon kay Chaldea Izah Sayo, isa sa mga trainor mula sa Provincial DRRMO, ilan sa kanilang mga ginagawang pagsasanay ay basic rope rescue, high angle rescue, at basic swimming.
Aniya, layon nitong madagdagan ang kaalaman ng mga rescuer sa pagresponde lalo na sa panahon ng kalamidad.
Dagdag pa ni Sayo, mula sa 20 trainees, tatlo dito ang kababaihan.
Nagsimula ang naturang pagsasanay nitong Marso 29 at nakatakdang matatapos ngayong araw.