Aabot sa mahigit P30 milyong halaga ng iba’t ibang proyektong imprastraktura para sa mga ospital ang pinasinayaan at binasbasan sa pangununa ni Governor Manuel Mamba kasama ang mga parish priest sa bayan ng Sta. Ana at Aparri, kahapon, March-23.

Kabilang sa mga pinasinayaan sa Sta. Ana Community Hospital ang ipinatayong ambulance bay, konstruksyon ng sewage treatment plant, perimeter fence, completion ng dietary at administration building, COVID-19 isolation unit, at repair ng gusali ng mismong ospital.

Nagkakahalaga ng P12,860,892.7 ang nasabing mga proyekto maliban pa sa isang unit ng Patient Transport Vehicle na ibinigay ng PGC na nagkakahalaga naman ng P1.3 milyon.

Kaugnay nito ay pinasinayaan rin sa Aparri Provincial Hospital ang mga itinayong bagong gusali at maging ang mga inayos na establishimento.

Kabilang na rito ang paglalagay ng private rooms building, covered walk way, repair at rehabiltation ng main building, konstruksyon ng sewage treatment plan, waste holding area, employees quarter, rehab extension laboratory, improvement of septic tank, pathological vault, street lights at driveway.

Nagkakahalaga naman ng hanggang P16,271,712.53 ang pondong nailaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa nasabing ospital.

Lubos naman ang pasasalamat ni Sta. Ana Mayor Nelson Robinion at Dr. Mildred Palpallatoc, Chief of Hospital sa mga bagong gusali ng ospital at sasakyan.

“Ammuk ta sapasap ti ayat ni Gob Mamba. Uray siduna nga sukisuk ti probinsiya ket ikkan na latta, isu nga agsuganid tayu kuma,” ani Mayor Robinion.

Ikinatuwa rin ni Dr. Carlos Cortina III, Provincial Health Officer dahil kahit kabubukas pa lamang ng pay ward ay marami na itong kliyente. Napaganda na rin umano ng employees quarter at maging ang serbisyo ng Aparri hospital nagiging referral hospital ng mga bayan sa 1st and 2nd district ayon sa kanya.

Ang aktibidad ay dinaluhan rin ng mga hepe ng iba’t ibang mga district hospital katulad ni Dr. Arlene Cheng, at Parish Priest na si Fr. Domingo Ressurection, Fr. Glendeo Pattaguan, Parish Priest ng Sta. ana at Aparri, 1st District Board Member Atty. Romeo Garcia, Sta. ana Vice Mayor Catherine Ladrido, SB Araceli Toralba, mga empleyado ng ospital, mga estudyante ng Aparri School of Arts and Trades, Department heads at consultants ng Kapitolyo.