Naipamahagi na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang scholarship assistance sa Purok Agkaykaysa scholars sa lalawigan.
Ito ay para sa 2nd semester ng S.Y 2022-2023 kung saan tinanggap ng mahigit 5,000 estudyante mula sa 28 bayan at lungsod ng Tuguegarao.
Nito lamang March 15 hanggang March 16, ginanap ang distribution ng tulong pinansyal sa Medical Colleges of Northern Philippines (MCNP) at CSU-Lal-lo para diretsong ibaba sa mga estudyante na malapit dito.
Sa ngayon, umaabot na sa P15,072,000 ang kabuuang halaga ng scholarship assistance ang naipamahagi na ng PGC sa ilalim pa rin ng No Barangay Left Behind program ni Gob. Manuel Mamba.
Abiso naman ng kapitolyo sa mga nalalabing estudyanteng hindi pa natanggap ang kanilang scholarship assistance, hintayin lamang ang abiso mula sa Municipal Empowerment Officer kung kailan maaaring kunin ang nasabing tulong pinansyal.