Umabot sa 7,816 iba’t ibang uri ng forest at fruit tree seedlings at bamboo propagules ang matagumpay na naitanim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa iba’t ibang tree planting sites sa lalawigan bilang bahagi ng selebrasyon ng ikalawang anibersaryo ng “I Love Cagayan River” Movement ngayong buwan ng Pebrero.
Isinagawa ang mga tree planting activities nitong Pebrero-03 (Mambacag, Tuao), Pebrero 08-10 (Mambacag SWIP, Tuao), Pebrero-08 (Abra, Gattaran), Pebrero-10 (Nassiping Reforestation Project), Pebrero-17 (San Mariano, Lal-lo at Simpatuyu, Sta. Teresita), Pebrero-24 (Sub Capitol, Bangag, Lal-lo; at Cagayana Animal Breeding Station sa Zitanga, Ballesteros).
Ilan sa mga tree seedling na naitanim ay Narra (4,733), Mahogany (1,250), Pangot (400), Bitaog (50), Antipolo (30) fruit trees (395) at bamboo propagules (958).
Kasama sa mahalagang aktibidad ang mga kawani ng iba’t ibang opisina ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, Agkaykaya Organization Members, LGU at Barangay Officials, mga kasundaluhan at kapulisan, iba’t ibang kinatawan ng gobyerno at mga volunteer.