Muling inilunsad ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ngayong araw, Pebrero-20, ang isang short story writing contest bilang bahagi pa din ng pagdiriwang ng “I Love Cagayan River” Movement 2nd anniversary.
Pinangunahan ni Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor Provincial Administrator ang paglulunsad, kasama sina Michael Pinto, ang Provincial Librarian ng Cagayan; Nino Kevin Baclig ang Museum Director-Curator ng Cagayan Museum and Historical Research Center, Cirillo Parallag, ang Director ng Center for Continuous Quality Improvement ng University of St. Louis Tuguegarao, at Maricel Dayag Tumpalan ng Cagayan State University.
Ang tema ng short story writing contest ngayong taon ay tungkol sa buhay ni “Ubag,” ang pangalan na ibinigay ni Dr. Armand Mijares sa nahukay na fossil sa Callao Cave o ang kilalang Homo luzonensis.
Matatandaan na noong nakaraang taon, nakapaglimbag ang CPLRC ng kauna-unahang mga children’s story books nito mula sa short story writing contest na isinagawa.
Ayon kay Atty. Mamba-Villaflor, inaasahan niya ang magandang mga kwento na mabubuo sa contest.
Binigyang-diin niya na dapat magkaroon ng historical value ang mga isusulat lalo at ito ay patungkol sa isang yamang kultural ng Cagayan.
“Ang pagsusulat ng mga tungkol sa ito ay nagbibigay buhay sa atin ngayon.
We should appreciate our roots to better understand of where we want to be,” sambit pa ni Atty. Mamba-Villaflor.
Kanya ring sinambit ang kanyang tuwa sa dami ng napro-produce na passers ng Civil Service Examination.
Nagpasalamat siya sa USLT sa patuloy na partneship ng PGC sa pagbibigay ng ganitong serbisyo.
Laking pasasalamat naman ni Pinto sa pagsusulong ni Governor Manuel Mamba sa pagbabago ng CPLRC, lalo sa pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo sa publiko.
Samantala, kasabay ng paglulunsad ng short story writing contest ang unang araw ng 7th Civil Service Review ng CPLRC katuwang ang University of St. Louis Tuguegarao.
Ang review na ito ay bahagi ng serbisyo ng CPLRC para sa mga Cagayano na gustong public servants.
Ayon kay Milagros Dela Cruz, Assistant Librarian patuloy na tumataas ang passing rate ng mga reviewees ng Civil Service Examination sa CPLRC. May 300 na reviewees ang kasalukuyang na-accommodate ng CPLRC sa nasabing review.
Ayon kay Parallag, ang review na isinasagawa ng CPLRC at USLT ay may adhikain na i-prepare ang mga reviewee para sa eksamen, maging sa pagpasok sa gobyerno.