Inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Health (DOH) at Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na magbibigay otorisa kay Governor Manuel Mamba na pirmahan ang pag-implementa ng “Health Promotion Playbooks.”
Sa pagharap ni Lexter Guzman ng Department of Health (DOH) sa naganap na regular session ng SP ngayong araw, Pebrero-15, sinabi nito na naturang MOA ay makakatuwang ng PGC ang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD).
Ayon kay Guzman ang Health Promotion Playbooks ay may layuning iangat ang mga iba’t ibang aktibidad may kaugnayan sa kalusugan.
Aniya, P2 M ang nakatakdang i-download na pondo kung saan ang mga pangunahing programa ay para sa “Bakuna Champions” at “Key Assistance for Developing Adolescents” (KADA) network.
Paliwanag ni Guzman, ang Bakuna Champions ay upang mabigyan ng tulong sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) para maipatupad ang pagbibigay ng bakuna sa kanilang mga nasasakupang lugar habang ang KADA ay pagbibigay gabay sa mga kabataan may kaugnayan sa sexual at reproductive health.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Guzman ang bawat miyembro ng SP sa agarang pag-apruba sa naturang MOA na makakatulong sa bawat Cagayano.