Isinagawa sa Cagayan Animal Breeding Center (CABC) sa Zitanga, Ballesteros ang onsite training ng mga Farmer Livestock School ng Gonzaga may kaugnayan sa kanilang kurso na Goat Enterprise Management kahapon, February-8.
Ayon kay Dr. Elma Bermudez, Veterinarian ng Provincial Veterinary Office (PVET), ang 26 participants ay mayroong 16 weeks na training kung saan ay natapos na nila sa Gonzaga ang 14 weeks na pagsasanay.
Isa sa mga nakahanay na aktibidad nila ay ang matuto sa paggawa ng feed formulation at pelletized feeds o mga damo na mataas ang nutrients para sa mga alagang kambing.
Ang mga nasabing paraan aniya ay makakatulong ng malaki sa mga magsasaka na may mga alagang kambing upang mapaganda rin ang produksyon nila ng livestock.
Bukod kay Dr. Bermudez na nagturo sa mga magsasaka ay kasama rin ang ibang empleyado ng PVET na nasa CABC sa Zitanga, Cagayan.